^

Police Metro

Lady rider, utas sa hit-and-run

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang lady rider nang masalpok ng isang truck sa Binondo, Maynila ­nitong Lunes ng hatinggabi.

Ang nasawing biktima bunsod ng tinamong ma­tinding pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si Neri Joy Matias, 26, sales associate, residente ng San Roque, Navotas City.

Pinaghahanap naman na ng mga otoridad ang driver ng isang truck na sinasabing nakasagasa sa biktima.

Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bago naganap ang insidente, alas-11:17 ng gabi sa paakyat na bahagi ng Delpan flyover, northbound lane ng Mel Lopez Boulevard, sa Binondo ay minamaneho ng biktima ang isang itim na motorsiklo (414-XJJ).

Pagsapit sa paakyat na northbound lane ng Delpan Flyover, tapat ng Delpan Evacuation Center ay bigla na lang nasagi ng isang truck ang motorsiklo ng biktima sanhi upang mabuwal ito at nahulog.

Minalas  na masagasaan ng gulong ng truck ang ulo ng biktima at ang top box ng motorsiklo na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Sa halip na tumigil ang driver ng truck para tulungan ang biktima ay tumakas ito.

 

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with