7 pelikula, maglalaban-laban sa 9th Eddys

Ngayong gabi na gaganapin ang 9th edition ng Entertainment Editors’ Choice, mas kilala bilang The Eddys.
Muli ngang magniningning ang Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts ngayong Linggo sa pagsisimula ng awards season.
Inorganisa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), kikilalanin ng The Eddys ang mga natatanging tagumpay sa paggawa ng pelikulang Pilipino sa 14 na kategoryang maglalaban-laban.
Pitong pelikula ang maglalaban-laban sa Best Picture Bar Boys – After School, Eraserheads: Combo on the Run, I’mPerfect, Journeyman, Quezon, Sunshine at UnMarry.
Hosted by Concert Queen Pops Fernandez at television host and broadcaster Kim Atienza, ang star-studded ceremony ay idinirehe ni Calvin Neria.
Magbubukas ang gabi sa isang espesyal na production number mula kina Fred Moser at Kanata ng Pinoy Big Brother, kasama ang cast ng advocacy drama na I’mPerfect.
Ipapakita ng AKTOR PH chairman at founding president na si Dingdong Dantes ang mga patuloy na inisyatiba na binuo sa pakikipagtulungan sa SPEEd at Unilab.
Magsasara ang seremonya sa pagtatanghal ni Andrea Gutierrez at ng singer-songwriter na si David Young.
Inorganisa ng SPEEd, ang The Eddys ay nananatiling isa sa mga pinakarespetadong award-giving bodies sa bansa na nakatuon sa pagkilala sa kahusayan sa paggawa ng pelikulang Pilipino.
Ang live streaming ng 9th Eddys ay opisyal na mapapanood sa Facebook page ng Entertainment Editors’ Choice at YouTube channel nito, na may sabay-sabay na broadcast sa mga nangungunang media platforms.
- Latest






















