Claire Castro, kinuyog ng protesters sa Canada!

MANILA, Philippines — Hinarass ng ilang mga Pinoy na nagpo-protesta si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro habang nasa Vancouver, Canada.
Si Castro ay kabilang sa deligasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Vancouver para sa apat na araw na state visit.
Sinabi ni Castro, na gumagawa sila ng Reels tungkol sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa nasabing bansa ng lapitan sila ng isang Pilipino na nagtanong kung siya si Usec. Claire na sinagot naman niya. Subalit bigla na lang aniya itong sumigaw na “You ask your president to resign’ at kinuyog na sila gayung nagtatrabaho sila at hindi nagbabakasyon at ginagawa lang ang kanilang trabaho. Kabilang aniya sa mga naratibo ng mga nag-harass ay “pinagbibitiw ang Pangulo”, “maleta”, “magnanakaw” habang tinawag din siyang “panget at magnanakaw”.
Maliban dito, sinundan-sundan din aniya ng grupo ng mga Pilipino si Castro at kanyang kasama at pinagmumura habang kinukunan ng video.
Nakaramdam naman aniya ng takot si Castro at banta sa kanyang buhay dahil dalawa lang sila na baka posibleng saktan dahil mukhang sanay sa bayolente ang mga protesters tulad ng kanila umanong “iniidolo”.
Laking pasalamat naman ni Castro na sa kanilang pagtawid ay may ilang pulis sa lugar na kanilang hiningan ng tulong dahil sumusunod sa kanila ang grupo.
- Latest















