Marcoleta, Defensor, at 2 pa sinampahan na ng plunder

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng Office of the Ombudsman nitong Biyernes ng kasong plunder sa Sandiganbayan sina Senador Rodante Marcoleta, dating Cong. Mike Defensor at negosyanteng sina Joseph Varias Espiritu at Aristotle Baluyut Viray.
Ito ay may kaugnayan sa hindi pagdedeklara ni Marcoleta sa kanyang 2025 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng tinatayang P75 milyong cash donations sa panahon ng pangangampanya.
Natanggap umano ni Marcoleta ang donasyon nang siya ay representative pa ng Social Amelioration and Genuine Intervention on Poverty (SAGIP) party-list.
Ang plunder case nina Marcoleta ay hahawakan ni Sandiganbayan Third Division Associate Justice Karl Miranda at ang dagdag na kaso nila na may kinalaman sa paglabag sa Presidential Decree 46 dahil sa patanggap ng isang public official ng regalo at pagtanggap ng regalo sa pribadong indibidwal ay hahawakan ni Sandiganbayan Fourth Division Associate Justice Michael Musngi.
Ang katulad na kaso na naisampa kay Espiritu ay hahawakan ni Sandigabayan Sixth Division Associate Justice Sarah Fernandez at kay Viray ay hahawakan ni Sandigabayan First Division Associate Justice Maria Mendoza-Arcega.
- Latest




















