^

Metro

Bebot kinatay ng selosong live-in partner

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Nahuling may ka-text

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 29-anyos na babae  ng kanyang live-in partner sa gitna ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay, sa Las Piñas City, madaling araw ng Miyerkules.

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Laiza”, habang arestado ang suspek na si alyas “Limuel”, 35, kapwa residente ng Lopez Compound, sa Brgy. Manuyo Uno, Las Piñas City.

Batay sa imbestigasyon ng Las Piñas City Police Station-­Daniel Fajardo Sub-station 1, narinig ng mga kapitbahay ang pag-aaway ng dalawa dakong alas-3:30 ng madaling araw gayundin ang pag iyak at paghingi ng saklolo ng biktima habang nasa loob ng kanilang tahanan sa Lopez Compound.

Nag-ugat umano ang away ng biktima at suspek nang may mag-text sa una at ipinagselos ng huli.

Ayon kay Las Piñas CPS Chief, PCol. Fermin Armendarez III, dakong alas-7:50 na ng umaga ng nasabing petsa nang i-report sa pulisya ang insidente.

Nadatnan na lamang sa crime scene na wala nang buhay ang biktima at tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with