Bulkang Mayon nagluwa ng lava!
MANILA, Philippines — Nakapagtala ng pagluwa ng lava ang Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ang lava effusion ay naitala mula alas-9:41 ng gabi hanggang alas-11:19 ng gabi ng Biyernes at mula alas-2:39 hanggang alas-2:44 ng madaling araw nitong Sabado (June 27).
Ayon sa Phiviolcs, ang pagluwa ng lava ay ika-173 araw mula nang kakitaan ang bulkan ng incandescent lava flows, pyroclastic density currents (PDC) o uson at rockfalls.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala rin ang Phivolcs sa bulkan ng 34 volcanic earthquakes kabilang ang 13 volcanic tremors na may 5-10 minuto ang haba, 222 rockfall events at pagluwa ng asupre na may 2,076 tonelada. Kinakitaan din ang bulkan ng katamtamang pagsingaw na napadpad sa hilagang-silangan at panandaliang g pag-impis ng bulkan na may nagsisimulang pamamaga sa hilagang-silangang bahagi
Bunga nito, ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok ng sinumang indibiduwal sa 6-kilometrong radius Permanent Danger Zone at paglipad ng anumang aircraft sa tuktok ng bulkan dahil sa inaasahang pagguho ng bato, pagtilapon ng mga tipak ng lava o bato, pag-agos ng lava, usok katamtamang pagputok at pag-agos ng lahar kung may matinding pag-ulan sa paligid ng bulkan.
Ang Bulkang Mayon ay nananatiling nasa Alert Level 3 status na nangangahuluhan nang mataas na aktibidad ng bulkan.
- Latest
















