^

PSN Showbiz

Driver ng tsinitong aktor na nagkasakit sa sobrang pagod, nagsalita na!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Naghihimutok ang dating driver ng tsinitong aktor nang sandali kong makausap sa nakaraang opening ng STARtista Gallery sa Star City noong Biyernes.

Umalis na raw siya at nagda-drive na siya ngayon sa isa sa mga artistang dumalo sa STARtista Gallery. Sabi nitong driver, ang layo raw nitong amo niya ngayon sa aktor na dati niyang pinagtatrabahuhan.

Hindi man lang daw naiisip ng nilayasan na aktor napapagod din siya.

Madalas daw ay inaabot siya ng hatinggabi, at dapat alas kuwatro ng umaga ay babalik siya uli. Isang oras pa raw ang biyahe niya pauwi, kaya wala raw talaga siyang pahinga.

Okay naman daw sana kung may overtime pay siya, kaso wala raw talaga. Hindi rin daw siya pinapakain nito. Kaya puyat na nga siya, gutom pa raw.

Ang ending, nagkasakit siya, at ang sabi raw ng doktor ay dapat na makumpleto raw ang tulog niya.

‘Yun na ang rason kung bakit siya umalis at nagpahinga muna siya.

Mabuti at nakahanap daw siya ng bagong trabaho at napakabait daw nitong aktres na pinagtatrabahuhan niya ngayon.

Dapat na malaman ito ng ating young stars sa ngayon na kailangan nilang tratuhin nang mabuti ang mga nagtatrabaho sa kanila dahil sila mismo ang magsasabi kung ano ang tunay mong pagkatao.

Ara, may ambag sa kasal ni Cristine!

Isa si Ara Mina sa dumalo sa grand opening ng STARtista Gallery sa Star City noong nakaraang Biyernes.

Nakipagtsikahan sa amin si Ara pagkatapos ng ribbon cutting, at masaya siyang pinag-usapan ang wedding plans ng kapatid niyang si Cristine Reyes. Excited nga raw siya para kay Cristine. “Well, nag-initial talk na kami,” pakli ng aktres.

“Iniisip niya kung dito ba gagawin o destination wedding. So, wala pang napa-finalize. Nag-aano pa lang, nag-browsing browsing,” napangiti niyang pahayag.

“May mga sine-send siya sa akin na mga kung anu-ano, mga ideas. Tapos, nagtatanung-tanong siya sa akin. Wala pa talagang napa-finalize,” sabi pa ni Ara.

Hindi raw niya masabi kung intimate ba ito dahil ‘yung unang pagpapakasal ni Cristine ay napaka-intimate na raw.

Ang inaasahan lang niya ay kumpleto ang buong pamilya.  “Walang particular na ganito. Kasi ‘yung una niya intimate na e.”

Pero okay naman ‘yung intimate sa panahon ngayon, ‘di ba? “It depends sa kanila. So, kung ano ‘yung gusto ng sister ko, suportahan ko siya.

“Saka siguro very careful na siya. ‘Yung ano naman kasi nung una, hindi talaga prepared e.  Even ‘yung wedding niya parang biglaan lang din. Kasi may anak na sila nu’n e nung kinasal sila. Saka hindi kami kumpleto nu’n. Wala ‘yung mommy ko, daddy ko. Dalawa lang kaming andun na present.

“Parang hindi mo mape-feel ‘yung ano... siyempre hindi kumpleto ‘yung family namin.”

Nagpapasalamat si Ara dahil tuluy-tuloy naman ang trabaho niya. May regular siyang ginagawa sa Viva One na My Husband Is a Mafia Boss, at nasa Love Is Never Gone rin siya nina Joshua Garcia at Ivana Alawi.

Puwede pa pala siyang mabuntis, pero wala pa raw sa plano nilang mag-asawa. Masaya na raw siya sa anak niyang si Mandy at siya na rin ang tumatayong mommy sa anak ng asawa niyang si Dave na si Kirsten.

Natutuwa rin daw silang mag-alaga sa mga aso nila. “Sa busy naming mag-asawa, parang happy na kami sa aso,” bulalas ni Ara.

“It depends, kung ibibigay din naman ‘di ba? At saka iniisip ko rin, ano na ako, 47 na ako. Parang baka mahirapan na ako. Tho, kaya ko pa naman. Puwede pa raw,” dagdag niyang pahayag tungkol sa tsansang magkaroon ng bagong baby.

Ayaw raw nilang magpa-pressure na dapat na mabuntis siya uli. Nasa Panginoon na raw kung bibiyaan pa sila ni Dave. “Gusto ko talaga nung una, magka-boy pa...magka-son,” tugon nito.

“Sabi ko, parang hindi pa inaano sa amin... eh hindi rin kami ‘yung alam mo in vitro. Hindi kami nagta-try. Hindi lang namin napa-prioritize. Kasi parang siguro, kuntento na kami na andiyan si Kirsten, andiyan si Mandy, tapos ‘yung work namin, ganun.

“Marami namang ways e. Puwede kang magpa-surrogate, magpa-freeze ako ng egg, ‘di ba? Puwede din namang ganun. Meron lang siguro kaming mga priorities na nauuna—na may mga obligations pa kami. Hindi namin pinipilit,” sabi pa ni Ara Mina.

ARA MINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with