^

PSN Showbiz

Birthday in Bangkok

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Bilang birthday ko nung June 8, fly ako to celebrate. (para iwas pa-handaan!) Napag-tripan kong mag-Bangkok, Thailand. (wala lang…) Ilang beses na ko nakapunta rito pero rito ako dinala ng universe. (sumunod lang ako!) Solo akong bumiyahe. Medyo matagal ko nang di ginagawa ang travel mag-isa dahil madalas may kasama ako. (minsan pa nga isang batalyon!)

Una ko talagang binibisita rito ay ang gallery ni Thai artist Prapaipan Yantaporn sa Chatuchak. Sinusuportahan ko ang mga nagugustuhan kong obra nya. (kung pwede nga lang bitibitin lahat!) Ugali ko rin umikot pa sa ibang galleries. (food for the soul ko yan!)

Sa mismong araw ng birthday ko, pumunta ako sa Wat Arun. (para maganda ang birthday post!) Maraming temple na akong napuntahan sa Bangkok, pero di ko pa ito nabisita, kaya kinarir ko. Mula sa Pratunam kinailangan kong sumakay ng ferry ng mga 15 minutes para marating ito. Medyo afraid ako sa mga pagsakay ng ferry at barko pero marunong naman akong lumangoy just in case kailanganin. (kaya wag mo kong ma-ferry ferry!)

Ang Wat Arun ay isang sikat na tourist destination. Tinatawag din itong Temple of Dawn na located sa west bank ng Chao Phraya Ri-ver ng Thonburi district. (umiilaw pa ang mga templo pag gabi!) Sumisimbolo ito ng hope at spiritual light. (o di ba magandang segue sa mismong birthday!) Feeling ko talaga bagay sa celebration ko, bilang gusto ko ang living a life of meaning and purpose. (and dapat with prosperity!)

May nagpaparenta ng mga traditional Thai outfits sa labas ng Wat Arun, para maisuot ng mga turista sa kanilang pictorial. Hindi ko na ito nagawa, basta nag-picture ako ng sarili ko. (di ko kasi kasama ang glam team ko!)

Bihirang bihira akong mag-taxi o yung traditional nilang sasakyan na tuktuk (na mga hari ng kalye ha!) dahil oa ang trapik sa lugar. Ang kagandahan lang at isa sa gusto ko talaga sa Bangkok ay ang kanilang BTS. (walang kinalaman si Jungkook ha!) Ito yung Bangkok Mass Transit System o yung Skytrain na napaka-efficient at reliable. (kahit saan lupalop ka pupunta, may paraan ang kanilang train!) Dyan ako sumasasa-kay palagi pero isang araw, napagtripan kong i-try sumakay sa isang traditional train nila, papunta sa Talat Noi.(para cinematic ang effect ko!) Isa itong pinakamatandang lugar sa Bangkok na dinadayo ng mga turista (yung mga nakaka-alam lang na meron pala nito) dahil sa sinasabing hidden side ng Bangkok. May mga makikipot na daan na pang instagram photos, galleries, coffee shops at street art (artsy artsy ka ateng!)

Mainit ang panahon sa Bangkok. (minsan para kang nasa microwave oven!) Pero dahil rainy season na, madalas bigla na lang uulan nang malakas na tatagal ng isa hanggang tatlong oras. (delubyo levels ang lakas!) Kaya kinarir ko yung mga indoor activities tulad ng Cave Fantasy na isang virtual interactive attraction. (mga pailaw na 3D kineme!) at ang Sea Life na may sari saring aquarium (with matching mga pating pating!)

Thank you sa ilang mga taong nakasalamuha ko rito. Yung iba pinagtanungan ko ng direksyon (di naman ako niligaw!) Yung iba mga pinoy na nagpa-picture sa’kin. (alam nyo naman feeling celeb!) See you again Bangkok! Khop Khun Khrap! (pwede na ko maging endorser ng mango sticky rice ng Thailand!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

BIRTHDAY

CELEBRATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with