^

PM Sports

Eala handa na kay Vekic sa Berlin Open

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mapapalaban agad si Alex Eala sa opening round ng Berlin Open na ginaganap sa Berlin, Germany.

Sasagupain ni Eala si Donna Vekic ng Croatia ngayong araw.

Wala pang eksaktong oras na inilalabas ang mga organizers ng naturang WTA 500 event.

Daraan sa matinding pagsubok si Eala dahil sariwa pa si Vekic sa matamis na kampeonato sa katatapos na HSBC Championships na ginanap sa London, England.

Tinalo ni Vekic sa finals si dating US Open champion Emma Raducanu ng Great Britain, 6-0, 7-6 (6) para masungkit ang korona.

Hindi naman basta-basta magpapakabog si Eala. Galing din ito sa kampeonato sa Birmingham Open sa Birmingham, England may dalawang linggo na ang nakalilipas.

Nakaabot din ito sa second round ng Queen’s Club tournament.

Kaya naman inaasa­hang palaban si Eala sa pagpasok nito sa Berlin Open.

Bukod pa dito ang hawak na 2-0 rekord ni Eala kay Vekic sa taong ito.

Unang tinalo ni Eala si Vekic sa opening round ng ASB Classic sa Auckland, New Zealand kasunod sa Kooyong Classic sa Melbourne, Australia na parehong ginanap noong Enero.

Ang pagsabak ni Eala sa Berlin Open ay bahagi ng paghahanda nito para sa Wimbledon Championships na gaganapin sa Hun­yo 29 hanggang Hulyo 12 sa London, England.

Bago sumabak sa Berlin Open, sumalang muna si Eala sa pukpukang ensayo kasama ang kanyang team.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with