Gerald, undocumented na!

Almost 10 years ding umabot ang relasyon ng dating mag-asawang AiAi de las Alas at Gerald Sibayan bago nagkahiwalay nung October 2024 sa pamamagitan lamang ng Viber chat mula kay Gerald.?
Sa simula pa lamang ng relasyon ng dalawa, marami na ang nagsabi na hindi magtatagal ang kanilang relasyon dahil sa almost 30 years age gap sa kanilang pagitan. But the relationship lasted for nearly 10 years na mahirap maabot ng ibang couple.
?Alam mo, Salve A., masakit sa parte ni AiAi because she gave her all sa kanyang (dating) mister at kasama na rito ang kanilang pag-relocate sa Amerika at pag-petition kay Gerald for his green card and permanent residency and him (Gerald) finding a job in the US.
?When we were in the US recently, we texted Gerald to get his side pero nag-beg off itong magsalita.
?Napakahigpit ngayon ni US President Donald Trump pagdating sa undocumented aliens na namimirmihan ngayon sa Amerika at kabilang na rito ngayon ang dating mister ni AiAi na si Gerald.?
?Ang isang option ni Gerald ay kung muli itong mag-aasawa ng isang American citizen unless makaapekto rito ang ginawa ni AiAi na revocation ng kanyang green card and permanent residency niya dahil tiyak na ito’y lilitaw sa record.
Ito ngayon ang malaking problema at challenge na kakaharapin niya dahil sa buwelta sa kanya ng kanyang (dating) misis.
Jodi, mananakot ulit
?Matapos ang kanyang hit horror movie na Clarita nung 2019, muling nagbabalik ang award-winning actress na si Jodi Sta. Maria sa ganitong genre sa pamamagitan ng kanyang upcoming movie, ang Untold na muling pinamahalaan ng kanyang Clarita director, ang award-winning filmmaker na si Derick Cabrido.
?Tinatampukan din ito nina Joem Bascon, JK Labajo, Gloria Diaz, Mylene Dizon at iba pa under Regal Entertainment at nakatakdang ipalabas nationwide on April 30, 2025 kasunod ang pagpapalabas nito sa ibang bansa through ABS-CBN’s TFC.
?Ang Regal Entertainment ay magkatulong na pinatatakbo ngayon ng mag-inang Roselle Monteverde as President-CEO at Atty. Keith Monteverde Teo as Executive Vice President.
?Tinalikuran ni Atty. Keith ang pagpa-practice bilang US Immigration lawyer para tulungan ang kanyang ina sa operation ng kumpanya na iniwan sa kanila ng kanyang lola, ang yumaong Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na sumakabilang-buhay nung isang taon.
- Latest