^

Police Metro

Kelot inaresto sa sextortion

Ludy Bermudo - Pang-masa
Kelot inaresto sa sextortion
Kinilala ang naares­t­ong suspek na si alyas Jake ng San Jose, Antique batay sa reklamo ng isang babae sa NBI.
STAR/File

Biktima inabuso hanggang mabuntis

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang ina­resto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos ireklamo ng babaeng biktima na nabuntis nito matapos takutin na ipapakalat ang hubad nitong video kung hindi papayag na makikipagtalik naganap sa San Jose, Antique.

Kinilala ang naares­t­ong suspek na si alyas Jake ng San Jose, Antique batay sa reklamo ng isang babae sa NBI.

Sa salaysay ng biktima na nagsimula ang lahat nang tawagan ng suspek ang biktima noong Disyembre 2022 at sinabihan siyang may ­hawak na video niya ng nakahubad na natutulog. Nasundan ito ng friend request at message sa Facebook na nakalakip na ang sinasabing video.

Agad na tinawagan ng biktima ang suspek at hiniling na i-delete ang video, subalit nagbigay ng kondisyon ang huli na kailangang mag-sex muna sila at kung hindi ay ia-upload sa FB, kaya napilitang makipagtalik. Tumagal ang pang-aabuso hanggang sa mabuntis ang biktima.

Sinabi ng suspek na magpunta siya sa ­Dalipe, San Jose, Antique kung gusto niyang alisin ang video. Marso 27, lingid sa kaalaman ng suspek na kasama na ng biktima ang mga operatiba ng NBI na umaresto sa kaniya.

SEXTORTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->