^

Probinsiya

3 paslit natusta sa sunog sa Cebu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong paslit na magkakapatid ang natusta matapos silang makulong sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Brgy. Mambaling, Cebu City nitong Sabado ng umaga.

Sa report ng Cebu City Fire Station, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Sachna Lexy Siaboc, 6-anyos; mga kapatid nitong sina Razan Kyle, 4-anyos at Lexy, 3 taong gulang. 

Bandang alas-8:51 ng umaga nang magresponde ang mga bumbero matapos na makatanggap ng report hinggil sa nagaganap na sunog sa Sitio Avocado, Brgy. Mambaling ng lungsod. 

Ayon sa imbestigasyon ang sunog ay nagmula sa two-storey na bahay na pag-aari ni Junrel Abella at inookupa ng ilang mga indibidwal kabilang ang pamilya ng mga biktima.

Dakong alas-9:41 ng umaga nang ideklarang kontrolado na ang sunog at ganap itong naapula ng mga bumbero ganap na alas-11 ng umaga.

Nasa 20 kabahayan na gawa sa mahihinang uri ng materyales ang nadamay na natupok sa insidente habang nasa inisyal na P750,000 ang pinsala sa nangyaring sunog. 

Sa pag-iinspeksiyon ng mga bumbero, natagpuan ang natustang mga katawan ng magkakapatid na magkakayakap sa kanilang tahanan na pinagmulan ng apoy na mabilis na kumalat sa mga katabi nitong kabahayan.

Ang tatlong bata na na-trap sa sunog sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan ay naiwang walang kasama dahil nagtatrabaho ang kanilang ina habang ang kanilang ama ay umalis umano para kunin ang kaniyang e-bike.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->