Song Joong Ki, first time sa ‘Pinas!

Ang bongga naman na magkakaroon ang Korean actor na si Song Joong Ki ng first fan meet sa Manila.
Ngayon pa lang siguradong mag-iipon na ang fans niya para sa event niyang IAM Song Joong Ki: Live in Manila sa Mall of Asia Arena.
Naku siguradong paunahan ang fans niya sa pagbili ng produkto lalo na ang mga member na magkakaroon ng exclusive presale.
Sigurado ring mao-overwhelm siya sa suporta ng mga Pinoy at baka hindi pa iyan ang huling beses niya na pagpunta rito.
Maaalalang sumikat si Song Joong Ki nang gumanap siya bilang Captain Yoo Shi Jin or Big Boss sa Descendants of the Sun na pinagbidahan nila ng Korean actress na naging ex-wife niyang si Song Hye Kyo.
Naalala ko na naman tuloy ang naging hiwalayan nila na sobrang nagpalungkot sa akin noon.
Isa nga rin ako sa talagang nagluksa at nahirapang mag-move on. ‘Kaloka.
Well, masaya na naman si Joong Ki sa wife niya ngayon na si Katy Louise Sanders kasama ng mga anak nila.
Huli nga siyang napanood last year sa cameo appearance niya sa Queen of Tears na pinagbidahan ng Korean actor na si Kim Soo Hyun na kontrobersyal ngayon.
Well, excited na ako sa fan meet ni Song Joong Ki kahit na hindi ko na kayang pumunta sa mga ganyang event.
‘Kaloka.
Mga batuhan ng pulitiko, katawa-tawa na!
Nakakatawa na kung minsan ‘yung batuhan ng mga akusasyon ng mga naglalabang pulitiko. Para tuloy kung minsan parang comedy na.
Kahit naman kasi ano pa ang problema, lagi namang nandiyan lang. Never namang nawawala kung minsan ‘yung mga reklamo. Kailangan medyo broad naman ang isipan natin at huwag masyadong naghahanap ng mga ipipintas sa ating mga leader.
Naiisip ko nga ang sakit sa ulo ni Usec. Honey Rose sa tambak na complaints ng mga reklamador. Dapat naman meron tayong patience, hintayin natin kung ano ang gagawin ng gobyerno natin.
Trust and respect our leaders. Inilagay siya ng mas maraming tao sa posisyon niya. Kaya tama lang na hintayin natin kung ano ang desisyon nila.
Be trusting sa anumang sasabihin nila.
‘Yung trust ko kay President Bongbong Marcos as our President hindi nawawala. Makikita mo na nga sa mukha niya ang pagod sa rami ng mga hinaharap na problema.
- Latest