^

Police Metro

Cong. Erwin patuloy ang pagiging No. 1 sa senatorial survey

Mer Layson - Pang-masa
Cong. Erwin patuloy ang pagiging No. 1 sa senatorial survey
ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo files his certificate of candidacy for the position of senator on October 6, 2024.
The STAR/Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagiging numero uno sa pagka-Senador si ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial survey.

Ayon sa Tugon Ng Masa survey na isinagawa ng OCTA Research mula Pebrero 22-28, si Tulfo pa rin ang nangu­ngunang kandidato para sa Senado, na may 100% na awareness at 66% na voting preference.

Patunay rito ang pananatili niya sa mataas na ranggo sa iba pang mga kamakailang survey mula sa mga kilalang ahensya tulad ng Social Weather Stations (SWS), WR Numero, Pulse Asia, at iba pa.

Nagpasalamat si Tulfo sa pag-agos ng suporta para sa kanya at sa patuloy na pagtangkilik sa kanyang mga adbokasiya para sa pagpapabuti ng bansa. “Ang patuloy na suporta at pagmamahal ng ating mga kababayan sa atin at sa ating mga adbokasiya ay nagsisilbing lakas ko upang magpatuloy sa pagtatrabaho sa Kongreso bilang kakampi ng mga inaapi,” pahayag ng mambabatas.Ang pinakahuling OCTA Survey ay isinagawa sa 1,200 na mga respondents kung saan pinagbigay sila ng 12 kandidato na kanilang iboboto kung gaganapin ang eleksyon sa panahon ng survey.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->