VP Sara, no comment muna sa impeach issue

MANILA, Philippines — Tumanggi muna si Vice President Sara Duterte na magbigay ng anumang komento hinggil sa ginawang pag-impeached sa kanya ng mga mambabatas sa Kamara kahapon.
Matatandaang 215 miyembro ng House of Representative ang pumirma sa ikaapat na impeachment na inihain laban kay Duterte.
Ito ay lampas sa requirement na one-third o 102 lamang na pirma ng mga miyembro ng Kamara upang umusad ang impeachment complaint sa Senado.Batay sa ulat ng News 5 kahapon, sinabi ng bise presidente na ayaw muna niyang magbigay ng pahayag hinggil sa isyu dahil hindi pa niya nababasa ang nakasaad sa impeachment.
Ayon kay VP Sara, mahirap mag-react kung hindi pa nababasa ang official statement dahil maaaring masobrahan o makulangan ang kanyang reaksiyon dito.
“So, kailangan natin antayin,” aniya.
- Latest