Inflation nitong Oktubre bahagyang bumilis — PSA
MANILA, Philippines — Bahagya pang bumilis ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Oktubre ngayong taon.
Sa ulat ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, naitala sa antas na 2.3 percent ang headline inflation sa bansa nitong Oktubre na mas mataas kumpara sa 1.9 percent inflation rate noong Setyembre.
Pasok ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2 percent hanggang 2.8 percent.
Ang average inflation mula Enero hanggang Oktubre ay nasa 3.3 percent.
Ayon sa PSA, ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng antas ng inflation ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng food at non-alcoholic beverages.
Nakaambag din sa inflation ang pagtaas ng renta sa bahay; LPG; at bayad sa suplay ng tubig gayundin ang restaurants and accommodation services na may 3.9 percent inflation
Sa NCR naman, bumagal sa 1.4% ang inflation mula sa 1.7# noong Setyembre dahil sa pagbagsak ng presyo ng kuryente at LPG.
- Latest