^

Probinsiya

Kelot tepok sa kasuntukan, ulo inumpog sa semento!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines — Patay ang isang lalaki nang iuntog sa semento ang ulo nito ng isa sa mga lalaking kanyang kasuntukan sa Antipolo City, nabatid kahapon.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Quirino Memorial Medical Center ang biktimang si alyas ‘John’ dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Arestado naman ang isa sa mga suspek na si alyas ‘Ronnie,’ habang tinutugis pa ng mga pulis si alyas ‘Carlo.’

Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-6:45 ng gabi ng Sabado, sa di pa batid na kadahilanan ay nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan ang mga suspek at biktima na nauwi sa suntukan sa Brgy. San Isidro, Antipolo City.

Sa kasagsagan ng upakan, nawalan ng ba­lanse ang biktima at nabuwal sa sementadong sahig. Sinamantala naman umano ito ni alyas Carlo at ilang ulit na ­inumpog ang ulo ng biktima sa semento, sanhi upang mawalan ito ng malay.

Mabilis na isinugod ang biktima sa pagamutan ng kanyang mga kaanak ngunit nasawi habang nilalapatan ng lunas kamakalawa.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with