^

PSN Showbiz

Pokwang, dinispatsa ang mga bahay para maka-move on kay Lee

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Pokwang, dinispatsa ang mga bahay para maka-move on kay Lee
Lee at Pokwang

Sinagot ni Pokwang ang tanong ng isang netizen kung bakit niya ibinenta ang bahay na dati nilang tinirahan ng ex na si Lee O’Brian. Sa tanong na “Are you selling the house that you shared with that man?”

“Sold na po last year pa hahahaha that’s why im selling my beach house in Bataan kasi ayoko ng may mantas niya at bakas hahaha,” sagot ni Pokwang.

Nagsasama pa sina Pokwang at kanyang ex nang ipagawa ni Pokwang ang beach house niya sa Camaya Coast sa Mariveles, Bataan. Naabutan pa ni Lee nang matapos ang bahay, kaya may bakas nga nito ang three-storey house na for sale for P18M. Maganda ang bahay at may swimming pool pa at dahil malamig sa lugar, hindi na kailangang mag-aircon pa.

May bagong beach house si Pokwang, sa may Batangas naman at ibig sabihin, pati ang Bataan, damay sa pagmo-move on niya sa ex. Pero, sabi niya, nalalayuan din siya sa Bataan, kaya ibinenta ang bahay na hindi pa yata natirahan.

Iba rin mag-move on si Pokwang, pati bahay na natirahan ni Lee, ibinenta. But in fairness, hindi raw niya pipigilan si Malia kapag ginustong magkaroon ng communication sa ama. Katuwiran nito, ama pa rin ni Malia si Lee.

Katrina, may wish kay Marian!

Sa pagpirma ni Katrina Halili ng kontrata sa Sparkle GMA Artist, umaasa ang aktres na muling makatrabaho si Marian Rivera. Mukhang maganda ang naging working relationship nila sa Marimar at Darna, kaya wish nito na mabig­yan uli sila ng chance na magkatrabaho.

Sa interview kay Katrina sa GMA News Online, nabanggit pa na nananati­ling girl crush niya si Marian.

“Mabait siya ‘pag nakilala mo siya. Mabait siya sa mga kaibigan niya. At nakikita naman natin na ang galing niya din as a mom,” wika niya.

Sa susunod na series niya na Mommy Dearest, ang makakasama niya ay sina Camille Prats, Winwyn Marquez at Amy Austria with Dion Ignacio and Mel Martinez. Si Gina Alajar ang director ng afternoon drama series na ito ng GMA 7.

vuukle comment

ACTRESS

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with