^

Kutob

Agosto 3, 2024

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Kahit anong bagay kung sobra o kulang ay hindi maganda. Ang sobra mong pagmamahal ay magiging daan sa pag-abuso ng iyong karapatan at kala-yaan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 18, 23, 39 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mailalayo ang sarili na magkamali sa taong mamahalin kung damdamin at utak ang paggaganahin. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 28, 38 at orange.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Malakas ang makamundong pagnanasa na kung walang disi-plina ay may kapahamakan na darating. Lucky numbers at color for the day ang 6, 16, 19, 38 at cream.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Madali kang makumbinsi sa mga iaalok sa’yo. Mag-ingat. Suriin muna ng mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 17, 25, 33, 34 at maroon.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Walang aanihin kung hindi magtatanim. Huwag sayangin ang oras sa makasariling relasyon dahil pagsisisihan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 34, 42 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung isang Libra o Virgo ang makikilala, ma-lamang siya ang iyong Cinderella, soulmate o twin flame. Lucky numbers at color for the day ang 19, 24, 30, 41 at brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Ang masamang karanasan sa lumipas ay malamang maulit kung hindi mag-iingat. Huwag magpabaya sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 2, 23, 27, 38 at ivory cream.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20)  – Maaliwalas ang panahon sa tahanan. Matatapos ng walang hadlang ang mga gawain. Lalambingin ka ng mahal mo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 8, 39, 42 at beige.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Kung mabigat ang problema at hirap mahanapan ng solusyon, kumunsulta sa higit na nakaaalam. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 31, 42 at pink.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Magaan ang trabaho ngunit may kabigatan sa aspetong pinansiyal. Kung may mga pautang, singilin dahil mababayaran. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 25, 34 at blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Talo ka kung mapipikon dahil ikaw ay magiging sentro ng kantiyawan. Gumawa ng paraan para sa graceful exit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 26, 27 at lemon green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Larawan ng pagkakataon ang kanyang salita o sinabi. Huwag mangako dahil mahihirapan kang tuparin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 29, 33 at ruby red.

vuukle comment

HOROSCOPE

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with