^

Nation

Sin tax law pinirmahan ni PNoy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa nang batas ang sin tax bill matapos itong pirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Huwebes.

Inaasahang hahakot ang naturang batas ng karagdagang P30 bilyon na buwis para sa gobyerno sa susunod na taon.

"Malinaw po ang batayang prinsipyo ng batas na ito: Hangad nating gawing abot-kamay para sa lahat ang benepisyong pangkalusuagn, mayaman man o mahirap, sagrado po kasi ang buhay ng Pilipino. Iaangat natin ang kalidad ng pampublikong kalusugan ng ating bansa: Ito ang susi sa isang  sambayanang masiglang mapapakinabangan ang mga pagkakataong bumubukas ngayong umaangat na ang ekonomiya ng ating bayan," sabi ni Aquino sa kanyang talumpati.

Tiniyak ni Aquino na makikinabang ang mga tobacco farmers sa kikitain ng batas. Kinontra ng mga magsasaka ng tabako at nagtitinda ang sin tax dahil sinabi nilang papatayin nito ang kanilang industriya at bababa ang kanilang kikitain.

Pinagtibay ng Senado at Kongreso sa bicameral conference committee ang panukala na magpapataw ng mas mataas na buwis sa tabako at alkohol.

AQUINO

HANGAD

HUWEBES

IAANGAT

INAASAHANG

ISA

KINONTRA

KONGRESO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with