Eala unang pinay na kampeon sa WTA

Pinadapa si Pegula
MANILA, Philippines — “Kapag lumago, hindi na hihinto.”
Ito ang salitang nakatahi sa likod ng visor na isinuot ni Alex Eala nang sumabak siya sa biga-ting Wimbledon Championships sa London noong nakaraang buwan.
Isinaisip at isinapuso ito ng Pinay tennis sensation nang talunin niya si World No. 3 at tournament top seed Jessica Pegula ng United States, 4-6, 6-4, 6-0, sa finals para angkinin ang tropeo ng Mubadala Citi DC Open sa Washington.
“I think each match I kept improving and kept learning things about myself. So it definitely gives me a lot of confidence, and it’s just really nice to see all the things that I have been working on off court or during training being implemented in matches,” sabi ng 21-anyos na si Eala.
Ang Mubadala DC Open ang unang WTA 500 title ni Eala matapos masungkit ang mga korona sa WTA 125 tournament sa Guadalajara 2025 at sa Birmingham Open 2026.
Ipinagpaliban ang nasabing duwelo nina Eala at Pegula nang bumuhos ang malakas na ulan sa second set kung saan lamang ang Pinay netter sa 2-1 matapos kunin ng American ang first set, 6-4.
Kinabukasan sa pagbabalik ng aksyon ay nakatabla si Eala bago tuluyan nang tapusin ang kanilang rematch ng 32-anyos na si Pegula sa loob ng isang oras at 43 minuto.
“I think I was able to take my time and take those learnings from the first half of the match and do my best to apply them in the second, and I think it worked pretty well,” ani Eala.
Nauna nang tinalo ni Pegula, may 11 singles titles at pitong doubles crowns sa WTA Tour, si Eala sa semifinals ng 2025 Miami Open, 7-6 (3), 5-7, 6-3.
“First, I want to congratulate Alex (Eala) on an amazing week, an amazing tournament. I don’t know how much more I can say, but you’re an amazing player,” ani Pegula na isa sa mga top 10 players na tinalo ni Eala ngayong taon.
Ang iba pa ay sina No. 2 Elena Rybakina (second round ng Berlin Open), No. 3 Iga Swiatek (third round ng Wimbledon), No. 4 Coco Gauf (third round ng Indian Wells Open), No. 5 Madison Keys (third round ng Miami Open) at No. 8 Jasmine Paolini (second round ng Dubai Tennis Championship).
Nakamit rin ni Eala ang premyong $252,000 (?15.4 milyon).
- Latest



















