^

Police Metro

Obrero dinukot sa Rizal, bangkay natagpuan sa Tarlac

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 34-anyos na napaulat na matagal nang nawawala matapos na dukutin sa isang lugar sa Rodriguez, Rizal ay natagpuang patay sa lalawigan ng Tarlac.

Ayon sa pulisya, alas-12:00 ng madaling araw noong Hunyo 2, 2026 nang inireport ng kapatid na si alyas “Edden”, ang pagkawala ng biktimang si alyas “Mansueto”, may-asawa, construction worker, at tubong Surigao Del Norte at residente ng Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City nang magtungo ito sa Rizal para makipagkita sa isang indibidwal.

Nitong Hunyo 21, nagawang mabuksan ng kapatid ang FB account ng biktima at doon natuklasan niya ang pagkakakilanlan ng huling ka-chat na isang alyas “Joshua” ng Rodriguez, Rizal.

Ibinunyag ni Joshua na galit ang mastermind sa pagiging police asset umano ng biktima sa ilegal na droga.

Bukod sa mastermind na residente ng Brgy. Bagong Barrio, Pandi, Bulacan ay pinaghahanap din sina alyas”Ed” at isang John Doe.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with