^

Police Metro

Big-time rollback sa petrolyo, asahan muli

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — May aasahan muling malaking rollback na hanggang P11.00 kada litro sa diesel at P6.00 naman sa gasolina sa susunod na linggo o Martes, ayon sa pahiwatig ng ilang source mula sa oil industry sa bansa.

Batay sa ulat, ang diesel ay tatapyasan ng P9 hanggang P11 kada litro, habang ang gasolina naman ay mula P4 hanggang P6.

Ayon naman sa konserbatibong pagtaya ng Department of Energy (DOE) , ang rollback na P8 hanggang P10 kada litro para sa diesel, at P4 hanggang P5 para sa gasolina ay posible  sa gitna ng nagpapatatag na relasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, gayundin ang pagbaba sa presyo ng kerosene ng P9 hanggang P11 kada litro.

Samantala, sa forecast naman sa isa pang source na iniulat ng GMA News nitong Sabado, bababa ng P8.85 hanggang P9.90 sa bawat litro ng diesel at P4.03 hanggang P4.88 naman sa kada litro ng gasolina.

Ayon sa DOE nitong Biyernes, ang pump prices sa kasalukuyan na P70 - P80 sa bawat litro , na dating P50-60 lamang ang presyo bago ang pagsiklab ng giyera sa Middle east.

DOE

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with