^

PSN Showbiz

Matteo, dinala si sarah sa pinagmulan ng kanilang pamilya

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Matteo, dinala si sarah sa pinagmulan ng kanilang pamilya
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Ang bongga naman ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na pumunta ng Venice para bisitahin ng aktor ang kanyang Italian roots.

Ibinahagi ni Matteo ang ilan sa highlights ng kanilang pamamasyal sa Venice. Sa video na ipinost nito ay makikita silang nag-e-enjoy sa boat ride na may napakagandang view at nang tanungin ng singer kung nasaan ang mister ay sumagot itong nasa hometown sila nito kung saan taga-roon ang kanyang papa at lolong si Gianni.

Bukod sa pagbisita sa mga kamag-anak doon ay pumunta rin sila sa Piazza San Marco at Murano at maganda nga ang panahon nung andun sila kaya mas lutang daw ang ganda ng Venice.

Binisita rin nila ang mga lumang shop sa Murano kung saan ginagawa ang makukulay na iba’t ibang kagamitan na gawa sa glass.

Kasama rin ng mag-asawa ang pamilya ni Matteo, ang tatay niyang si Gianluca, nanay niyang si Glenda at pati rin ang kapatid nitong si Paolo.

At hindi nila syempre nakalimutang mag-shopping at nakapag-hike rin sa Lago di Sorapis.

Ang suwerte nga raw ng dalawa na halos lahat na ay nasa kanila at isa na lang daw ang kulang sa kanila, anak.

Kaya wish ng mga tagahanga nila ay magka-baby na raw ang mga ito na nasa honeymoon na naman daw.

Samantala, napansin din ng fans ni Sarah na lutang ang ganda nito kahit walang makeup habang namamasyal sila.

Nabitin naman ang netizens sa ipinost nilang travel vlog at sana raw ay mag-post pa ito ng mas maraming travel vlogs na kailan lamang din ay galing sila sa Scotland.

Ganun. Bongga.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with