^

Punto Mo

Ex-Cabinet official sa illegal na POGOs, tukuyin na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matindi na ang panawagan ng ilang mambabatas sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tuluyan nang tukuyin kung sino ang dating gabinete na nag-lobby para sa proteksiyon para sa operasyon ng mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa.

Hindi nga ba’t una nang ibinulgar ni PAGCOR Chairman at Chief Executive Officer Alejandro Tengco, na isang dating Cabinet member ang nag-lobby para mabigyan ng prangkisa ang mga illegal na POGOs. Ang nasabing mga POGOs ay ni-raid ng mga awtoridad kamakailan sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

Hindi lang marahil ang ex-Cabinet official na ito kundi ang iba pang opisyal ng gobyerno sa nagdaan man o sa kasalukuyan dapat nang talupan.

Giit ng mga mambabatas na dapat nang tukuyin ni Tengco ang mga opisyal na sangkot at nagbibigay ng proteksiyon sa illegal na POGOs.

Malaking bagay ito para tuluyan nang umusad ang imbestigasyon at pana­gutin ang mga ito.

Marami na ang nakinabang sa mga ilegal na POGOs, marami ang nagsamantala kasi nga malamang malaki ang kita. Hindi ito napunta sa kaban ng bayan’ kundi sa bulsa ng mga tiwaling indibiduwal.

Kung magpapatumpik-tumpik pa, eh baka lalo pang lumawak ang problema.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with