Walang taas-pasahe sa PUVs – LTFRB
Dahil sa pagpapatupad ng PUVMP
MANILA, Philippines — Walang magaganap na pagtataas sa singil ng pasahe sa buong bansa lalo na sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagpapatupad sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, walang basehan para maitaas ang pasahe sa mga pampasaherong sasakyan lalo pa’t wala
namang nagsasampa ng fare hike petition para aksyunan ng LTFRB Board.
Aniya idinaraan din sa masusing pag-aaral at konsultasyon sa publiko ang anumang petisyon sa taas-pasahe upang maging katanggap-tanggap ito sa panig ng mga PUV operators at commuters.
Ang pahayag ay ginawa ng LTFRB sa agam-agam ng mga commuters na tataas ang pasahe sa mga pampasaherong sasakyan dahil sa modernisasyon ng mga PUVs, pagtaas ng inflation at patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.
Gayunman, sinabi ni Guadiz na oras na may magsampa ng fare hike petition ay agad nila itong pag-aaralang mabuti para sa kapakanan ng mamamayan.
- Latest