Showtime 17 na...Ralph De Leon, waging reyna talakera!

Binuksan ng It’s Showtime ang celebration ng kanilang ika-17 anibersaryo sa pamamagitan ng isang futuristic na opening number na tampok ang solo performances nila Vice Ganda at ng mga host ng programa.
Nakibahagi sa opening number kasama ni Vice Ganda nitong Lunes (Oktubre 19) ang kanyang mga co-host na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Ogie Alcasid, Amy Perez, Darren Espanto, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, Ion Perez, at Cianne Dominguez, kasama ang Showtime Baby Dolls.
Nagpasalamat ang mga host sa Madlang People sa patuloy nilang pagtanggap sa kanilang mga tahanan at buhay sa nakalipas na 17 taon. Ibinahagi rin nila na tanging hangad nila ay maghatid ng saya sa mga manonood.
Sa unang araw ng Dis Is Ur Show Disisyete weeklong celebration ay nasaksihan ng mga manonood ang pagbabalik ng segment na Cash-Ya, kung saan muling nagharap ang Team Vice at Team Vhong.
Sinundan ito ng celebrity edition ng Ms. Q&A na tinawag na Celebrity Talakera, kung saan limang artista ang nag-transform sa kani-kanilang pageant character na may kanya-kanyang bonggang personalidad.
Nag-transform si River Joseph bilang Riverjeon Pha, si Vince Maristela bilang Disney Vincess, si Ralph Miaco bilang Ralph Mae Gento, si Ralph de Leon bilang Masaralph de Leon, at si Ryan Bang bilang Saranghe Ronimo.
Nagpatuloy sa Beklamation sina Ryan, Ralph de Leon at River. Sa huli, napili ng mga huradong sina Nicole Cordoves, Robi Domingo at Janice de Belen si Ralph de Leon bilang Reyna Talakera 2026 at nag-uwi siya ng ?50,000 at isang sash.
Samantala, mas marami pang performances, special appearances at pasabog ang mapapanood sa mga susunod na araw kabilang ang Laro Laro Pick na may jackpot prize na ?500,000.
Makikiisa rin sa pagdiriwang ng anibersaryo sina Apl.de.Ap, Billy Crawford, Bamboo, Skusta Clee, Flow G, Mariah Deborah, Amiel Sol, Earl Justin, Angela Ken, Carl Guevarra, Rob Deniel, Wilbert Ross, Fitterkarma, Klarisse, Fyang, Joaquin Arce, Kyle Echarri, Eliza Borromeo, Miguel Vergara, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Alexa Ilacad, Alora Sasam, Verna Periwinkle, Poking, Candy Pangilinan, Ethel Booba, at iba pa.
- Latest





















