^

Police Metro

Solons, ‘di ikinagulat ang suporta ng publiko sa impeach VP Sara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umano ikinagulat ng mga kongresista ang resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapakita na suportado ng 41 porsyento ng mga Pilipino ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay dahil sa rami umano ng ebidensya kaugnay ng maling paggamit ng confidential funds at pagtataksil sa tiwala ng publiko.

Ito ang naging reaksyon nina House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun at Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V nang makita ang resulta ng survey.

Ayon sa kanila, ipinapakita ng survey ang galit ng publiko sa umano’y maling paggamit ni Duterte sa kabuuang P612.5 milyong confidential funds na inilaan sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong panahon ng kanyang panunungkulan bilang Kalihim.

Sinabi ni Khonghun na lumitaw sa mga pagdinig ng Kongreso ang umano’y mabibigat na ebidensya, kabilang ang mga pekeng benepisyaryo tulad ng “Mary Grace Piattos” at mga kahina-hinalang transaksyon na pinaggamitan ng confidential funds ni VP Duterte.

Isinagawa ang survey mula Disyembre 12 hanggang 18, 2024, kung saan 41 porsiyento ng mga Pilipino ang sang-ayon na ma-impeach si Duterte, 35 porsiyento ang tutol dito at 10 porsiyento ang undecided.

Si Duterte ay nahaharap sa tatlong impeachment complaint sa Kamara, dahil sa umano’y kapabayaan, pagtataksil sa tiwala ng publiko, at paglustay ng pondo ng bayan

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->