Bronny James sa L.A. Lakers
NEW YORK — Pinili ng Los Angeles Lakers si LeBron ‘Bronny’ James Jr. bilang No. 55 overall sa Day Two ng 2024 NBA Rookie Draft kahapon.
Sa paglalaro nina LeBron James, Sr. at Bronny James ay posible na ngayong mangyari ang kauna-unahang father-son on-court duo sa liga.
“In the history of the NBA, there’s never been a father and a son that have shared an NBA basketball court and that feels like something that could be magical,” ani Lakers general manager Rob Pelinka. “We know, and have to respect of course, that LeBron has a decision on his opt-out ... but if it worked out that he was on our team next season, NBA history could be made. And NBA history should be made in a Lakers uniform.”
Maaari din itong hindi matuloy kung pipiliin ng 39-anyos na si James na iwan ang Lakers at maglaro sa ibang koponan.
Magiging isang free agent kasi ang four-time NBA champion sa susunod na linggo.
Gagawin ng 19-anyos na si Bronny James ang kanyang debut sa isang Lakers uniform sa Hulyo 12 sa Las Vegas sa kanilang summer league opener laban sa Houston Rockets.
“Beyond blessed,” ani Bronny James sa kanyang Instagram post.
- Latest