Prosecution sa defense team: Senator-judges, ‘wag bastusin!
MANILA, Philippines — Irespeto ang Senate impeachment court maging ang mga senator-judges at huwag ang mga itong bastusin pabor man o hindi ang rulings o mga pahayag sa panig ng defense team.
Ito ang apela ni House prosecution Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kasunod naman ng inisyung show cause order ng Senate impeachment court laban kay Atty.Paolo Panelo, Spokesman ni VP Sara hinggil sa pagkuwestiyon nito sa umano’y tila may kinikilingan ang ilang senator -judges.
Inihayag ni Adiong na maging ang prosecution team ay umani rin ng kritisismo sa ilang mga Senator-judges kaugnay ng mga patutsada ng ilan sa mga ito sa findings ni forensic accounting expert Atty. Alexander Cabrera hinggil sa tinatayang P817.87 milyong paglobo ng kayamanan mula 2022 hanggang 2025.
“May mga senator-judges po diyan na saying that ’yung naging report ni Atty. Cabrera ay chismis lang, ’di ba? Mga ganoon,” pero sa kabila nito ayon kay Adiong ay hinayaan lamang ito ng prosecution team at hinayaang ebidensya ang magsalita.
Ipinunto ni Adiong na ang mga senator-judges ay may kapangyarihan na suriin ang mga ebidensya at kuwestiyunin ang mga testigo na inihaharap sa paglilitis.
Ang kontrobersya ay matapos namang akusahan ni Panelo ang ilang senator-judges ng pagiging bias umano sa pagkuwestiyon sa testigo ng defense team na si Atty. Rainer dela Fuente, isang dating opisyal ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Iginiit ni Panelo na ang kaniyang kritisismo ay protektado umano ng kaniyang konstitusyonal na karaparan sa malayang pamamahayag.
Nitong Biyernes ay inisyuhan ng Senate impeachment court ng show cause order si Panelo na pinagpapaliwanag sa maanghang nitong mga pahayag at pag-atake sa mga senator-judges.
- Latest

















