^

Police Metro

Marcos pinakain si Trump ng Jollibee

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos pinakain si Trump ng Jollibee
Sina US President Donald Trump (kaliwa) at PLP President Ferdinand R. Marcos Jr. (kanan) kasabay ng kanilang bilateral meeting nitong November 18 sa Palasyo ng Malacañang sa Manila. Nagkita ang dalawa bilang bahagi ng ASEAN Summit, kung saan tinalkay ang mga isyu na may kaugnayan sa economic cooperation, regional security at ang pinakamatagal nang alyansa sa pagitan ng United Ststes at Pilipinas.
Nino Jesus Orbeta

MANILA, Philippines — Pinameryenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si United States President Donald Trump sa isang kilalang fast food chain na Jolibee, rito sa bansa.

Sa bilateral meeting ng dalawang lider sa Malakanyang, inalala ni Marcos ang matagal na pagkakaibigan ng dalawang bansa sa iba’t ibang paraan at lalo pa itong lumalago.

Si Trump ay dumating sa huling araw ng ASEAN Summit and Related summits nitong Nobyembre 16-18.

Ayon kay Marcos , namangha siya na sa sandaling oras ng pananatili ni Trump sa bansa ay nakapagsagawa na sila ng mahahalagang pagpupulong kasama ang iba pang lider ng mga bansa.

Tiwala rin ang Pangulo na patuloy pa siyang makakahanap ng mga bago at mahahalagang paraan para higit pang patatagin at palalimin ang ugnayan ng dalawang bansa.

Dahil sa kapos na sa oras, ayon kay Marcos kaya pinadalhan niya ng meryenda na Jolibee chicken joy kamakalawa ng gabi si Trump at kanyang delegasyon.

Ang Jollibee ang kilalang kainan dito sa Pilipinas na ang pangunahing produkto ay pritong manok na buong pinagmalaki ni Marcos na nalampasan na ang KFC ng US.

Bandang hapon naman ay lumipad na rin si Trump patungong China para sa APEC Economic leaders meeting kung saan dadaluhan din ito ni Pangulong Marcos.

DONALD TRUMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with