Hiatus ng COJ, nilinaw!

Pinakaba ng Cup of Joe (COJ) ang kanilang fans sa announcement na after ng kanilang Symphony concert sa Dec. 3 sa Smart Araneta Coliseum, they will be going on hiatus.
Akala ng fans, matagal nilang hindi mapapanood ang kanilang favorite band. May mga tanong na nga kung magbabakasyon ang COJ at kung saan.
Tinawagan namin si Baby Gil ng Viva Music kung ano ang totoo sa balitang hiatus ng COJ at ikatutuwa ng Joewahs (tawag sa fandom ng band) ang sagot nito. Kaya raw magha-hiatus ang COJ dahil they will be writing songs at marami-rami siguro silang kanta na susulatin, kaya kinailangan nila ng enough time to write beautiful songs.
Sa kanilang pagbabalik, siguradong makakarinig tayo ng songs gaya ng Multo, Sandali, Misteryoso, Nag-iisang Muli, Pahina, ang Christmas song na Alas-Dose at marami pang iba. Nauna nang in-announce na guest sa concert ang Orchestra of the Filipino Youth.
Anyway, sold-out na naman ang December concert ng COJ at pinasasalamatan nila ang kanilang fans sa walang sawang suporta.
PBB housemates, personalan na!
Naglabas ng statement ang Movie and Television Review and Classification Board kung saan, nakasaad na pag-aaralan nila ang mga reklamo ng viewers sa Pinoy Big Brother (PBB) Collab 3.0.
Nagtatanong lang ang viewers kung kasama raw ba sa inireklamo ang episode na sinabihan si Jeo Ong ni Cianne Dominguez na bad breath siya o doon sa nagsabing may putok si Cianne.
May nakaalala rin sa isang episode na ikinuwento ng isa pa ring female housemate na nagpa-wax siya sa kanyang private part bago pumasok sa Bahay ni Kuya. In-anticipate at pinaghandaan nito sakaling kailangan nilang mag-swimming. In fairness, nakakatuwa at nakakatawa ang episode na ito at walang nakitang masama ang viewers sa usapan nila Mikee Quintos.
Doon sa “bad breath” at “putok” isyu nag-agree ang viewers na parang bullying ang nangyari dahil tumatak ‘yun sa viewers at ang tingin nga nila kay Jeo bad breath nga at may putok naman si Cianne.
Korina, may panawagan sa batas para sa mga aso
May panawagan sa Kongreso si Korina Sanchez patungkol sa nararapat na proteksyon sa fur babies. Sunud-sunod kasi ang balitang animal cruelty na para bang binabalewala ang batas.
Kaya may panawagan si Korina na madaliin ang hearings sa proposed animal welfare legislation. Pinuna rin nito ang ilang taong hindi pag-aksyon sa pagpasabatas na palakasin ang animal protection at panagutin ang nang-aabuso sa mga hayop.
“Mag-committee hearing na tayo diyan sa batas para sa mga hayop para hindi naman parang dini-dribble lang tayo ng ilang dekada na para sa kawawang mga nilalang na nilikha din ng Panginoon at may karapatan din sila sa planetang ito.”
Dagdag pa ni Korina, “Alam mo, kapag mayroong naghuhuli, nakakasuhan, o nakukulong, pinagfa-fine na mga tao, dapat nami-media ‘yun para makita ng tao na talagang ‘yan po’y bawal ‘yung mga nananakit ng aso sa kalye, bawal ‘yan. ‘Yung mga naninipa bawal ‘yan.”
Nag-agree ang mga nakapanood kay Korina sa pahayag niyang ito at karamihan fur parents. May mga nagpasalamat din sa pagiging open at matapang sa pagpapahayag ng kanyang saloobin.
- Latest




















