^

Pang Movies

Sandara, gustong bumalik ng ‘Pinas!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sandara, gustong bumalik ng ‘Pinas!
Sandara

Ibinunyag K-pop star na si Sandara Park na minsan ay nanghihinayang siya sa pag-alis niya sa Pilipinas para tuparin ang pangarap na maging K-pop star.

“Meron po minsan. Sana hindi na lang ako umalis,” sabi niya.

Lumaki siyang may pangarap na maging star at laging handa sa hamon. Naalala niyang bumisita siya sa kanyang home country at walang nakakakilala sa kanya kahit big star na siya sa Pilipinas. “I was shocked–– I’m in Korea but nobody knows me and I wanted to try to be a star in Korea too,” pag-alala niya.

Dahil doon, tinanggap niya ang hamon at nag-impake para mag-training sa YG Entertainment, kung saan siya nag-debut kalaunan kasama ang 2NE1.

Inamin ng K-pop star na hindi na niya kayang gawin ulit ang risk na ginawa niya noon.

“Maybe I was just so young that time so hindi ko alam kung ano mangyayari in the future. I just tried anything. I love the challenge, I love to try new things, and syempre hindi ko alam kung magiging successful pa ako or tapos na ang career ko,” pag-amin niya.

Sa kabila ng panghihinayang, sinabi ni Park na tiniyak ng kanyang loyal fans sa Pilipinas na ipadama sa kanya ang pagmamahal, kaya confident siyang makakabalik anumang oras sa bansa. “Lagi ko sinasabi sa kanila na no words can explain how much I’m thankful kasi parang talagang iniisip ko siguro Pinay ako sa past life ko kasi it’s really amazing,” sabi niya.

Sumikat si Park sa bansa matapos maging isa sa mga finalist ng Star Circle Quest.

Will, nasobrahan ng protein intake

Spotted sina Will Ashley at Mika Salamanca sa Hong Kong kamakailan para sa kanilang much-needed break.

Ayon kay Will: “Break lang din talaga after sobrang busy na schedule and sobrang stressful na mga nangyari. Sobrang reset talaga. Pagbalik namin, okay ang lahat, ready to work, happy, and ang dami naming mga positive talaga na mina-manifest.”

Nang tanungin tungkol sa real score nila ni Mika, sagot niya, “Tatanungin ko ulit siya.”

Priority niya muna ngayon ang good health dahil muntik na siyang ma-admit sa ospital.

“Muntik na rin akong ma-admit. So, I had to stop and eat normal talaga. Nasobrahan in terms of pagod tapos nasobrahan sa diet. Kumbaga, naparami ‘yung protein intake ko,” sey niya.

Bukod sa Delivery Boi, kasama rin si Will sa cast ng Metro Manila Film Festival 2026 entry na Amir.

Hollywood tv icon, namatay na

Pumanaw na ang film and TV icon na si Stacy Keach sa edad na 85.

Kinumpirma ng kanyang asawang si Ma?gosia Tomassi na namatay si Stacy noong Nov. 10 sa kanilang bahay sa Magdalenka, Poland dahil sa heart failure.

Pinakakilala si Keach sa TV bilang grizzled detective na si Mike Hammer sa The New Mike Hammer (1984-1987) at sa iba pang TV movies at series.

Nagsimula siya bilang Shakespearean actor at nag-debut sa pelikulang The Heart Is a Lonely Hunter. Lumabas din siya sa Fat City, Up in Smoke, Escape from L.A., Nebraska at Gotti. Ang huli niyang pelikula ay Jay Kelly kung saan gumanap siya bilang ama ni George Clooney.

SANDARA PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with