^

Punto Mo

EDITORYAL — Nakababahalang data leaks sa government agencies

Pang-masa

SUNUD-SUNOD ang mga napabalitang data leaks sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan. Kumi­kilos na ang National Privacy Commission sa nakababahalang report, at nagkakaroon na nang masusing imbestigasyon ang Bureau of Internal Revenue at Deparment of Interior and Local Government.

Kinumpirma naman ng Securities and Exchange Commission (SEC) na may data breach na nakaapekto sa ilang users ng digital platforms nito.

Hindi naman lahat nang kumakalat na claims ukol sa date leaks ay kumpirmado. Halimbawa, ang umano’y 10GB na data leaks mula sa Office of the Vice President (OVP) ay hindi pa independently verified.

Sa nangyayaring ito, dapat lamang hintayin ang resulta ng forensic investigation bago sabihing totoong nakompromiso ang lahat ng impormasyong kumakalat online.

Pero hindi ibig sabihin na maliit ang problema. Sa SEC breach, kabilang sa maaaring na-expose ang pa­ngalan, email address, mobile number, birthday, address at TIN ng users.

Kapag pinagsama-sama ang ganitong impormasyon, maaari itong gamitin sa phishing, identity fraud at iba pang scam.

Kaya hindi sapat na aksiyon ang maglabas lamang ng advisory pagkatapos ng insidente.

Ang bawat ahensiya na nangungulekta ng personal na impormasyon ay may responsibilidad na siguradu­hing protektado ito bago pa magkaroon ng breach. Kailangan ang regular security audits, mas mahigpit na access controls, mabilis na pag-update ng systems, malinaw na incident response at tamang pagsasanay sa mga empleyado.

Kapag may breach naman, dapat mabilis at malinaw ang impormasyon sa publiko: ano ang naapektuhan, sino ang maaaring nalagay sa panganib, at ano ang dapat nilang gawin.

Sa ilalim ng NPC rules, may mga sitwasyong kaila­ngang maabisuhan ang Commission at affected data subjects sa loob ng 72 oras.

Hindi lamang numero sa database ang hawak ng gobyerno. Pangalan, address, tax records at iba pang personal na detalye ito ng tunay na tao.

Kung hinihingi ng estado ang ating impormasyon para makapagbigay ng serbisyo, kasama sa obligasyon nito ang pag-iingat sa datos na ipinagkakatiwala ng mamamayan sa kanila. Huwag hayaang masira ang pagtitiwala.

BIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with