^

Metro

14 wanted arestado sa 24-Hour Warrant Day ng QCPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 14 na wanted kabilang ang pitong (7) Most Wanted Persons (MWPs) at pitong (7) Other Wanted Persons (OWPs) ang nasa kustodiya ng Quezon City Police District (QCPD), matapos ang isinagawang 24-Hour Warrant Day Operations noong Nobyembre 6, 2026, sa ilalim ng pamumuno ni Acting District Director PBGen. Christopher Olazo.

Kabilang sa mga naaresto ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso ng paglabag sa Securities Regulation Code kaugnay ng Cybercrime Prevention Act, Lascivious Conduct, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at New Anti-Carnapping Act of 2016. Isinagawa ang mga pag-aresto ng Masambong, Batasan, Fairview, at Project 6 Police Stations, katuwang ang Masbate City Police Station.

Batay sa beripikas­yon, ilan sa mga naaresto ay mayroon ding mga naunang rekord ng pagkakaaresto kaugnay ng estafa, paglabag sa B.P. 22, robbery-hold-up, at iba pang paglabag sa batas. Aabisuhan ang mga hukuman na naglabas ng mga warrant of arrest para sa kaukulang aksyon at disposisyon sa mga naaresto.

Tiniyak ni Olazo na patuloy na paiigtingin ng QCPD ang mga operasyon laban sa mga wanted person upang matiyak na maihaharap ang mga ito sa mga kinauukulang hukuman at mapanagot sa mga kasong kinakaharap, bilang bahagi ng pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan ng Quezon City.

MWPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with