^

PSN Palaro

Lady Falcons inupuan No. 3 seed sa quarterfinals

John Bryan Ulanday - Philstar.com
Lady Falcons inupuan No. 3 seed sa quarterfinals
Hinatawan ni Shaina Nitura ng Adamson si Krystaal Oba-Ob ng College of Saint Benilde.
(SSL photo)

MANILA, Philippines -- Dinagit ng Adamson Lady Falcons ang No. 3 seed sa quarterfinals matapos walisin ang College or St. Benilde Lady Blazers, 26-24, 25-15, 25-21 sa 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup kahapon sa Playtime FilOil Centre sa San Juan.

Walang kupas at kalawang ang star spiker na si Shaina Nitura mula sa tatlong larong pagkakawala matapos pumukol ng seven puntos sa sweep victory nila upang suporta Han ang 11 at 8 puntos nina Frances Mordi at Third Tuddao, ayon sa pagkakasunod.

Humataw din ng seven puntos si Lana Barrera habang may tig-anim na puntos sina Joy Aseo at Kim Rocha. May ambag ding limang puntos si  Frisha Divinagracia tampok ang apat na blocks sa kabuuang 11 na tapal ng Lady Falcons.

Pumang-apat ang Adamson noong nakaraang edisyon at papasok sa playoffs ngayon bilang terserang koponan ng Pool E kontra sa magiging

No. 2 seed ng Pool F na armado ng twice-to-beat bentahe.

Kinailangan lang ng Lady Falcons ng 79 minuto upang magawa ito kahit pa naiwan sa hanggang walong puntos sa first set bago angkinin ang huling dalawang sets.

“Although it was a slow start, I remembered what coach was telling us before the game, that we should learn to adjust,” ani Mordi.

“During the game, at the start, it was very slow but at the end we were able to adjust based on what coach told us,” she added.

Napurnada ang 10 puntos ni Grace Borromeo pati na ang walo at pitong puntos nina Arianna Pia at Camila Bartolome, ayon sa pagkakasunod.

Nagtapos sa No. 4 ang Lady Blazers na makakatapat ang No. 1 seed ng Pool F na UST Golden Tigresses bitbit din ang win-once bonus sa crossover quarterfinals.

Samantala, pinabagsak University of Santo Tomas ang Letran,  25-11, 25-19, 25-21, para ma-sweep ang Round of  8 sa ikalawang laro.

SSL

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with