^

Metro

Chinese fugitive sa P45 milyong telecom scam, arestado sa Parañaque

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Chinese national na matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad ang dinakip ng Bureau of Immigration (BI) sa Parañaque City dahil sa umano’y pagkakasangkot sa sindikato ng pandaraya sa telekomunikasyon na nakapambiktima nang mahigit P45 milyon.

Kinilala ang suspek na si Chen Yongzhou, 39, na dinakip noong Oktubre 14, 2026, kasunod ng kahilingan ng Embahada ng China sa Maynila para sa kanyang deportasyon at pagharap sa mga kasong kriminal sa kanilang bansa.

Ayon sa embahada, may warrant of arrest laban kay Chen na inilabas ng Xinzhan Branch ng Public Security Bureau sa Hefei, China. Sangkot umano siya sa sindikatong nag-operate sa ibang bansa noong 2023 hanggang 2024 at gumamit ng voice phishing at pekeng alok sa pamumuhunan upang makuha ang pera ng mga biktima sa China.

Umabot umano sa mahigit 4.73 milyong renminbi o katumbas ng US$706,000 ang nalimas ng grupo. Batay sa rekord ng BI, huling dumating si Chen sa Pilipinas noong Hunyo 2018 bilang turista ngunit nag-overstay na sa bansa nang siya ay maaresto.

CHINESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with