^

Metro

Libreng sakay sa Manila North Cemetery itinigil

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napilitan ang pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) na ipatigil ang libreng sakay sa loob ng naturang sementeryo nitong Undas, bunsod nang pagdagsa ng taong bumibisita sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ayon kay MNC Director Daniel Tan, hindi na maaa­ring daanan ang mga kalsada sa loob ng sementery­o kaya’t hindi na sila makapagbigay ng free ride sa mga bisita. “Opo, hindi na po makagalaw,” aniya pa, sa panayam sa radyo.

Matatandaang ang MNC ang itinuturing na pinakamalaking sementeryo sa bansa.

Nabatid na alas-9:00 pa lamang ng umaga ng Undas ay halos 125,000 katao na ang naitalang nagtungo doon upang magtirik ng kandila sa puntod ng kanilang mga yumao.

Inaasahan namang darami pa ang naturang bilang pagsapit ng hapon ng Linggo.

Samantala, iniulat na rin naman ni Tan na kakaunti lamang ang mga bisitang nasisita dahil sa pagdadala ng mga prohibited items lalo na at matagal na aniya silang nagpaabiso hinggil dito.

MNC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with