Napolcom pipigilan pagpasok sa serbisyo mga abusadong pulis
MANILA, Philippines — Nanawagan ang National Police Commissiom (NApolcom) sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, local gov’t units, at mamamayan na tumulong na mapigilan na makapasok sa serbisyo ang mga mapang-abusong magpupulis.
Ito ay ginawa ng Napolcom kaugnay ng reklamo ng isang guro na dumanas nang pang aabuso sa live-in partner na pulis na si Police Corporal Rogen Cain ng Philippine National Police Aviation Security Group (AVSEGROUP) nang umanoy tutukan ng baril, sinipa, at sinaksak ng tactical ballpen knife.
Unang naireklamo ng biktima si Cain sa Napolcom dahil dito.
Hinimok din ni Calinisan ang mga tauhan ng pulisya na huwag kampihan o itago ang mga kasamahang inirereklamo sa maling gawain, at binigyang-diin na ang pagtatago ng kamalian ay sumisira sa integridad ng institusyon at kumpiyansa ng publiko.
Aniya, aalamin ng Napolcom ang mga paratang na may ibang mga pulis na kumupkop kay Cain upang hindi siya matagpuan ng nagreklamo.
Kinondena ni Commissioner Calinisan ang karahasan laban sa kababaihan at tiniyak sa publiko na tutulungan ng ahensiya ang mga humihingi ng tulong.
Hinimok din nito ang iba pang mga babaeng may reklamo laban sa mga tauhan ng pulisya na lumapit sa Napolcom para maparusahan ang mga nagkakasala.
- Latest
















