^

PSN Showbiz

KMJS’ Gabi ng Lagim XIV, mananakot

Pilipino Star Ngayon
KMJS’ Gabi ng Lagim XIV, mananakot
Jessica Soho

Ngayong Undas, apat na makapanindig-balahibong kuwento ang tampok sa Gabi ng Lagim XIV, ang pinakaaabangang taunang Halloween special ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Sa Baguio Teachers Camp, isang diumano’y batang multo ang nakuhanan ng video sa pasilyo. Sa pagpasok ng paranormal researcher na si Ed Caluag sa kampo, ano ang naghihintay sa kanya sa dilim?

Samantala, isang ukit ng Pietà ang natanggap na regalo ni Nathan. Ngunit mula nang maiuwi ito, may mga anino at tunog na raw na bumubulabog sa kanilang tahanan. May kaugnayan kaya ang mga ito sa Ukit?

Mula naman sa isang liblib na probinsya, isang transwoman ang siyam na gabi na nakaranas ng diumano’y pagsapi. Sa Dasal Laban sa Dilim, tunghayan ang paghahanap ng kanyang pamilya ng paliwanag at tulong. Matatapos pa kaya ang kanilang pangamba sa bawat pagsapit ng gabi?

At sa huling kuwento, mahigit apat na dekada matapos pumanaw si Julie Vega, patuloy ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang pagkamatay. May kinalaman nga ba rito ang huli niyang pelikula kung saan gumanap siya na sinasapian ng demonyo? Sa The Mysterious Case of Julie Vega, pakinggan ang salaysay ng kanyang mga nakatrabaho at kapatid tungkol sa mga huling araw ng minahal na batang aktres.

Huwag palampasin ang lahat ng ito sa KMJS’ Gabi ng Lagim XIV ngayong Linggo (Nobyembre 1), 8:30 p.m. sa GMA 7.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with