^

Pang Movies

Tom, dala-dalawa ang seryeng ginagawa!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Usap-usapan ngayon ang pagpasok ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa Book 2 ng high-rating na seryeng The Master Cutter: Anak ng Sinulid.

Feeling blessed ang aktor dahil makakasama ­niyang muli ang malalapit na kaibigan tulad ni Jo Berry, kaya nagmistulang reunion project nila ito matapos ang Atty. Lilet Matias: Attorney-at-Law.

Kaabang-abang din ang magiging role ni Tom sa serye, kung saan hinuhulaan na ng mga netizens kung kalaban ba siya o kakampi ni Atoy (Dingdong Dantes).

Sey ng ilan televiewers “Mukhang kontrabida Yan hehe nagkatawang tao lang Yan c Gargan.”

Maaalalang kontrabida ang naging role nito sa fantaseryeng Sang’gre.

 Samantala, sunud-sunod ang projects ni Tom dahil kasama rin siya sa Whispers from Heaven na pagbibidahan naman ni Bea Alonzo.

Ang bongga talaga ng career ni Tom, ha!

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with