^

PM Sports

Cardinals ayaw magpapigil

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pakay ng Mapua University na pahabain ang ka­nilang winning streak sa pito sa pagharap sa College of Saint Benilde sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament sa Playtime FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Isa sa mga mainit na koponan ngayon ang Mapua dahil sa sunud-sunod na panalo matapos sumadsad sa unang tatlong laro.

Tangan ang 6-3 karta, kasalo ng Mapua sa No. 3 spot sa Group A ang St. Benilde.

Magtutuos ang Cardinals at Blazers ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang bakbakan ng University of Perpetual Help System DALTA Altas at Arellano University Chiefs.

Muling sasandalan ng Mapua si Cyrus Cuenco na nahirang na Player of the Week.

“Ang identity na gusto namin ay maging winners kami. We want to leave a legacy personally and as a team,” ani Cuenco. “Wala kaming ibang goal kung hindi ang manalo ngayon, especially last year ko na. I want to prove something. Gusto ko matulu­ngan ‘yung team at ‘yung community na maibalik ulit ‘yong championship sa amin.”

Kakapit din si Mapua head coach Chito Victolero kina Yam Concepcion at rookie Jamal Diaz.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with