^

Dr. Love

Nanaig ang tapat kaysa ‘angat’

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lamang akong Reno, 26-anyos. Lumiham ako para ibahagi ang ligaya ko matapos akong sagutin ng babaeng pinagtapatan ko ng pag-ibig, si Ella.

Noong nanliligaw pa lamang ako, halos isuko ko na ang laban. May isa pa kasing nanliligaw din sa kanya na may sariling kotse, magandang trabaho, at kayang dalhin siya sa mga mamahaling lugar. Samantalang ako, simpleng empleyado lang, simpleng kwentuhan, at tapat na pag-aalaga ang puhunan. Akala ko, talo na ako sa isang mas “angat.”

Kaya laking gulat at flattered ko nang sabihin niyang ako ang pinili niya. Ayon kay Ella, sa akin niya naramdaman ang tunay na seguridad, pagpapakumbaba, at pananatili sa tabi niya sa mga simpleng sandali. Hindi pala pera o garbo ang hanap ng puso niya, kundi ang taong tunay na nagpapahalaga sa kanya araw-araw.

Maraming salamat, Dr. Love. Nawa’y maging paalala ito na sa pag-ibig, na ang may pinakatapat na puso ang siyang nagwawagi.

Reno

Dear Reno,

Ang tagumpay mo ay patunay na ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa kapal ng pitaka o karangyaan ng regalo. Ang nagpapatibok sa puso ng isang babae ay ang katapatan, respeto, at ang pakiramdam na ligtas siya sa iyong pi-ling. Kaya naman ang payo ko, huwag kang magbabago.

Ipagpatuloy ang pagiging maalaga at tapat na dahilan kaya ka niya pinili. Higit na mabuti na tanggalin ang insecurity.

Magtiwala ka sa desisyon ni Ella at sa sarili mong halaga. Pagsikapan ang kinabukasan ninyo. Gamiting motibasyon ang tagumpay na ito para umunlad para sa magandang kinabukasan na sabay ninyong bubuuin.

Patunayan mo sa kanya araw-araw na tama ang naging desisyon ng kanyang puso.

DR. LOVE

ELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with