Sharon, mina-manifest ni Pops

Nasa bucket list ng concert queen-turned concert producer na si Pops Fernandez na maka-back-to-back ang Megastar na si Sharon Cuneta na never pa umano niyang nakakatrabaho sa concert stage.
In-approach na umano ni Pops si Sharon for this project pero wala pa umano siyang nakukuhang commitment mula sa Megastar. “I’ll talk to her again,” ani Pops nang ito’y aming makapanayam for our vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel.
Pops took over DSL Productions na itinatag ng kanyang mom, ang dating actress na si Dulce Lukban to produce her major concerts. “Gusto ko lamang ituloy ang legacy ng mom ko dahil siya ang unang sumugal sa akin sa concert scene,” pahayag ng ex-wife ng Concert King na si Martin Nievera.
“Mas naniwala pa si Mom sa akin kesa sa sarili ko,” pag-amin pa niya.
“I was a shy girl and it was my mom who pushed me,” dugtong pa niya.
Ngayong may edad na ang kanyang mom, turn naman ni Pops na alagaan ang ina. “Mom worked so hard for us her children and it’s about time for me to repay the sacrifices she made for us, laluna sa akin, ” diin pa niya.
“Sobrang malakas ang loob ng mom ko and she would do everything to make things work,” patuloy pa niya.
Unknown to many, nawalan ng boses si Pops and it took her a while bago bumalik ang kanyang voice. Nung panahong nagpapahinga siya sa concert scene dahil sa pagkawala ng kanyang boses, maraming realization ang pumasok sa kanyang isip.
“Nothing is permanent in this world,” deklara niya. “Ngayon ay sikat ka pero pagdating ng panahon ay male-lessen ang kukuha sa ‘yong producer. Dun mo mare-realize na kailangan mong kumilos at paghandaan ang panahon na ‘yon,” pagbabahagi pa niya.
Being a single parent and head of her family now, kailangang may gawin siya at hindi lamang aasa sa kung anong darating na offer for shows and concerts.
Forever thankful si Pops sa mga natutunan niya sa kanyang ina pagdating sa pagku-concert at pagkakaroon ng lakas ng loob.
Although dumaan sa anxiety at depression si Pops laluna nung bago pa lamang silang hiwalay ng kanyang ex-husband na si Martin Nievera nilakasan niya ang loob niya at buong tapang na hinarap ang challenges na dumating sa kanyang buhay.
Samantala, Pops is co-producing with EchoJham her almost sold-out concert at the Newport Performing Arts Theatre at Newport Resorts World sa darating na Nov. 26, 2026 at 8 p.m. Pinamagatang POPS, ito’y pamamahalaan ni Calvin Neria with her favorite seasoned musician and arranger na si Homer Flores as musical director.
- Latest






















