^

PSN Showbiz

Anton at Chanty, bibida sa Barangay Love Stories

Pilipino Star Ngayon
Anton at Chanty, bibida sa Barangay Love Stories
Anton at Chanty
STAR / File

MANILA, Philippines — Ngayong Sabado (Oct. 24), isang nakaaantig na kuwento ng pagkakaibigan, pagmamahalan at second chances ang tampok sa episode ng Barangay Love Stories, hosted by Papa Dudut.

Iikot ang kuwento kay PJ (Anton Vinzon), isang gwapo, maangas at mabait na binata na walang seryosong plano sa buhay. Matagal na siyang lihim na umiibig sa best friend niyang si Ericka (Chanty Videla), isang masipag na kahera na nangangarap makahanap ng mabait, tapat at responsableng kasintahan. Gayunpaman, kabaligtaran ng lahat ng hinahanap ni Ericka ang pagkatao ni PJ.

Nang mahuli ni Ericka na niloloko siya ng boyfriend niyang si John Paul (Mad Ramos), nagprisinta si PJ na maging fake boyfriend at rebound niya. Para kay PJ, naging pagkakataon ito upang patunayan kay Ericka na kaya niyang maging boyfriend material. Ngunit isang hindi pagkakaunawaan ang sumira sa namumuong pag-iibigan nila, habang kailangang harapin ni PJ ang mga takot at pagdududang matagal na niyang kinikimkim.

Hanggang BFF na lang ba sina PJ at Ericka?

Alamin ang buong kuwento kasama si Papa Dudut sa TV adaptation ng #1 radio program at podcast sa bansa, ang Barangay Love Stories, ngayong Sabado, 4 p.m. sa GMA.

JoshLia, Donny at Bamboo, magpapasiklab!

Punung-puno ng dekalibreng performances at kasiyahan ang mapapanood sa ASAP XP Pampanga sa pangunguna nina Joshua Garcia at Julia Baretto, Donny Pangilinan at Bamboo ngayong Linggo (Oct. 25).

Nag-uumapaw na kilig ang mararamdaman ng manonood sa duet number nina Joshua at Julia sa kanilang ASAP XP reunion.

Kakaibang charm naman ang ipapamalas ni Donny sa kanyang solo act. Kasunod nito ang high energy solo performance ni Bamboo.

Mas pinatindi pang biritan ang mapapakinggan sa kaabang-abang na kolaborasyon ng ASAP OG diva na si Pops Fernandez kasama ang ASAP champions na sina Erik Santos, JM Dela Cerna, Marielle Montellano, Jason Dy, Katrina Velarde, Jed Madela at Jona.

Bibida rin ngayong Linggo ang Kapamilya love teams na sina Alexa Ilacad at Gelo Rivera, Kai Montinola at Jarren Garcia, at Francine Diaz at Seth Fedelin sa kani-kanilang pasabog na duet

Tiyak na bibilib din ang fans sa bonggang performance ni Darren kasama ang BGYO.

Haharanahin naman ng heartthrobs na sina Seth, Jarren, River Joseph, Ralph De Leon, Chan Martin at Dylan Menor ang viewers sa kanilang hinandang performance.

Makikanta naman sa OPM jam na dala ng duet number nina Moira at Darren. Susundan ito ng pambihirang solo act mula sa Chief of the OPM na si  Ogie Alcasid.

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Belle Mariano, Alexa at BGYO Gelo.

LOVE STORIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with