^

Metro

Pulis nasa ‘hot water’ sa panggugulpi sa live-in partner

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa “hot water” ngayon ang isang police staff sergeant matapos ireklamo sa National Police Commission (Napolcom) ng kanyang live-in partner dahil sa umano’y paulit-ulit na pananakit at emotional abuse.

Ayon sa nagreklamong si “Kara,” anim na taon na silang nagsasama ng pulis at nagsimula ang pang-aabuso noong 2022. Nagpakita siya ng mga CCTV footage na umano’y kuha sa ilang insidente ng pananakit, kabilang ang pagtatalo dahil sa sirang cellphone. Sa isa pang video, makikitang sinasaktan umano siya habang karga ang kanilang apat na taong gulang na anak, habang sa isa naman ay tinututukan umano siya ng baril.

Sinabi ni Kara na hindi niya agad isinumbong ang kinakasama dahil paulit-ulit niya itong pinatawad sa pag-asang magbabago para sa kanilang anak. Gayunman, nagpatuloy umano ang pang-aabuso, kaya nagsampa na rin siya ng reklamo sa Pasay City Police Station. Naging viral sa social media ang mga video ng umano’y pananakit.

Nabatid naman kay Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Calinisan na inalis na sa puwesto ang pulis at inilagay sa restrictive custody habang dinidinig ang kasong administratibo. Humarap din sa komisyon, humingi ng tawad at umaming nagkamali.

Lumilitaw na selos ang madalas na dahilan ng kanilang pagtatalo at handa ang pulis na panagutan ang kanyang ginawa.

EMOTIONAL ABUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with