^

Pang Movies

Aktres, napabayaan na ang mga ngipin

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Kawawa naman ng isang actress, bulok na bulok na ang ngipin.

Parang tinamad daw yata itong mag-dentista. Samantalang afford na afford naman nitong gumastos sa pagpapaayos ng kanyang mga ngipin.

Pinakita sa amin ng isang friend ang resibo kung gaano ito kalala, ganun nga kabulok ang ngipin nito sa left and right area ng kanyang set of teeh sa itaas na bahagi.

Parang hindi aakalaing darating siya sa ganung bahagi ng buhay. Kaya naman hirap na hirap daw ang mga nag-cover na TV reporter, hindi nila alam kung paano itatago ang nasabing bulok na ngipin ng nasabing actress.

Claudine, nagtutungkod na

Ay parang nakakaawa naman si Claudine Barretto.

Nakatungkod siyang pumunta sa National Bureau of Investigation (NBI) kahapon.

Nag-file nga siya ng cyber libel laban kina Nay Cristy Fermin at Romel Chika ng programang SNN sa NBI kahapon.

Ano kayang sakit ni Claudine?

Kwarentahin pa lang siya kung tutuusin – 47 years old, pero ba’t nakatungkod na siya.

Anyway, tulad sa naisulat ko, beterana na si Nay Cristy sa demanda – traditional and cyber libel.

Kumbaga I doubt kung naalog siya sa demanda ni Claudine na naapektuhan daw talaga ang kanyang pamilya at fans sa mga sinabi ni Nay Cristy sa kanyang digital show na SNN kaya kinasuhan niya ito.

At nang hingan ko si Nay Cristy ng reaction tungkol dito: “Anak, hihintayin na lang namin ang kopya ng reklamo niya at sasagutin namin. Sa korte na lang kami magtutuos.”

Kris, dini-disinfect ang mga pinupuntahan

Sa isang lugar lang pala pwedeng magpa-interview si Kris Aquino – Blue Leaf.

Disinfected na raw kasi ang nasabing lugar at hindi raw nag-i-sneeze rito si Kris.

Kaya lahat daw ng event ni Kris, doon na ang venue.

At ang latest ganap kay Kris, ang reunion nila ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda.

Nagbigay ng pasilip ang GMA Network noong nakaraang linggo ng isang poster na nagpapakita ng muling pagsasama nina Boy at Kris.

Una silang nagkasama sa Startalk noon.

Hanggang kinumpirma ni Kuya Boy kahapon na ang nasabing teaser ay para sa isang two-part ng interview with Kris.

Kabayan Noli, may comeback sa Undas

Nagbabalik ang nag-iisang Kabayan Noli de Castro para sa isa na namang gabi na puno ng misteryo at lagim ngayong panahon ng Undas sa ABS-CBN News horror special na Kababalaghan 8: Pagkagat ng Dilim sa darating na Oktubre 31 (Sabado) sa free TV, ABS-CBN News online platforms at iWant.

Sa ika-walong edisyon, hatid muli ng Kababalaghan ang mga kwentong nakakikilabot na naganap sa iba’t ibang tahanan sa Metro Manila, na nasaksihan mismo ng mga nakatira rito at ang ilang pangitain ay nakunan pa sa kamera.

Para sa unang feature nitong Bulong, dadalhin ni Kabayan ang mga manonood sa isang lumang bahay na tinutuluyan ng isang pamilya, ilang henerasyon na rin ang nakalipas. Sa salaysay rin ng mga nabubuhay nitong miyembro, pare-parehas nilang naririnig ang mga misteryosong bulong na tila may pinahihiwatig sa kanila, habang nagpapakita rin ang mga masasamang elemento na minsa’y duguan pa.

Samantala sa kuwento nitong Upuan, bibisita ang programa sa isang bahay sa Taguig City na nakunan sa CCTV ang isang upuan na bigla na lang lumutang at initsa sa tabi. Nabanggit ng pamilyang nakatira rito na may matandang puno na nakapalibot sa kanilang bahay na pinaghihinalaang pugad ng masasamang elemento.

Tampok naman sa Bahay ni Tiya ang isang pinaglumaang bahay ng isang kaanak, na pinababantayan ngayon sa pamilya ni Mich. Mapayapa pa noong una silang nanirahan sa ground floor ng bahay. Pero nag-iba ang lahat nang tinuluyan din nila ang ikalawang palapag nito na tambak ng pinaglumaang kagamitan. Tumindi ang takot nila Mich matapos niyang i-post online ang video ng bahay at may makitang nakapangingilabot na mga imahe rito ang netizens.

Abangan ang mga katakut-takot na kuwentong ito sa Kababalaghan 8: Pagkagat ng Dilim ngayong Oktubre 31, 6:45 p.m. sa ABS-CBN News YouTube channel, at 10:30 p.m. sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

 

TEETH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with