^

Pang Movies

Robi, may inamin sa naging away nila ni John Lloyd!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robi, may inamin sa naging away nila ni John Lloyd!
Robi Domingo

Nagkaayos na pala sina John Lloyd Cruz at Robi Domingo matapos ang napabalitang tensiyon sa kanilang dalawa noong nakaraang taon.

Si Robi mismo ang kumumpirma nito sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda last Monday.

Ayon sa TV host, na-appreciate niya ang effort ni John Lloyd na gumawa ng unang hakbang upang maayos ang kanilang samahan.

“I guess it just happened on a whim. But in a nutshell, what I want to say is it’s done,” pahayag ni Robi, na nagpapahiwatig na tapos na ang isyu sa pagitan nila.

Ibinahagi rin ni Robi na nag-reach out si John Lloyd sa ilang managers ng Star Magic at sa kanilang common circle of friends upang maayos ang hindi pagkakaunawaan.

“I appreciate Kuya Lloydie kasi he reached out to different managers in Star Magic para maayos at doon sa circle of friends namin. Okay na, all is well,” dagdag pa ng TV host.

Matatandaang naging usap-usapan ang umano’y confrontation sa pagitan ng dalawang Kapamilya stars matapos ang reception ng church wedding nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde noong Dec. 22. Pareho silang invited guests sa intimate celebration, kung saan si Robi ang nagsilbing host ng reception dinner.

Ayon sa tsikang lumabas, umano’y hindi nagustuhan ni John Lloyd ang pabirong pagtawag ni Robi kay Zanjoe bilang “Mr. Atayde,” kaya kinompronta umano nito ang TV host na humantong sa kanilang pagkakainitan.

That time ay walang nagsalita sa kanilang dalawa tungkol sa issue kaya naman namatay na rin ito agad.

KATSEYE, excited sa pagbabalik ni Sophia!

Excited na ang members ng global girl group na KATSEYE na makasama muli ang kanilang Filipino member na si Sophia Laforteza na nakatakda nang magbalik sa trabaho sa January 2027.

Sa pagdalo ng grupo sa Victoria’s Secret Fashion Show kamakailan, ibinahagi nina Lara Raj, Daniela Avanzini, Megan Skiendiel at Yoonchae Jeung ang kanilang excitement sa inaasahang pagbabalik ni Sophia sa grupo.

Nagpahayag si Lara ng pagmamalaki sa kanilang fellow member dahil sa naging desisyon nitong maglaan ng panahon para sa kanyang sarili at kalusugan.

“We are so happy that she’s coming back,” aniya sa panayam ng E! News

Dagdag pa niya, proud sila sa pagiging brave ni Sophia at nirerespeto nila ang desisyon nitong unahin ang kanyang well-being.

“We are so proud of her. I think she’s really been so brave, and we respect her so much for taking the space and taking time for her health,” pahayag ng singer.

Para kay Lara, hindi lang basta groupmates ang turingan nila sa isa’t isa dahil mas malalim ang kanilang bond bilang isang pamilya.

“She’s our sister, so we can’t wait for her to come back,” dagdag pa niya.

Matatandaang noong nakarang Agosto ay inanunsyo ng kanilang label HYBE x Geffen Records na pansamantala munang magpapahinga si Sophia sa ilang promotional activities upang bigyang-prayoridad ang kanyang mental health and wellness.

Last Oct. 8 naman nang ianunsyo ng kanilang label na magsisimulang bumalik si Sophia sa group activities sa unang linggo ng January 2027.

 

ROBI DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with