^

Pang Movies

GF sa dilim ng gwaping actor, nagpakita na

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

LUMANTAD na pala ang tinaguriang GF sa dilim ng isang guwaping na aktor na matangkad!

Sa isang sports event na kasama ang aktor, tagung-tago si GF na mata lang ang walang takip. Pero nakilala rin siya lalo na’t matangkad din si girlfriend!

Eh baka natakot maagaw ang boyfie kung lagi siyang magtatago sa dilim as GF!

Naku, iba’t iba na ang ahas eh super dami na lalo na sa showbiz!

Heart, in-entertain sa closet party si Alden

SUMAKSES muli ang Heart & Friends Closet Party na ginanap nung Linggo at Lunes sa Metro Tent sa Pasig City. Nagdagsaan ang tao mula umaga hanggang sa matapos ito na ang iba eh galing pa sa probinsya, huh!

Second time na itong ginawa ni Heart kung saan pinagkaguluhan ang pre-loved at branded items nila ng kaibigan sa murang halaga! Kaya siksikan silang lahat upang makapag-uwi ng nabiling gamit sa event.

Umaga pa lang ay humangos na sa venue ang gustong makabili ng items. Maaga ring dumating si Heart sa venue na hindi lang organizer ang role kundi pumapel din siyang cashier, entertainer at iba pa sa dalawang araw na event.

Isa sa sumuporta sa global fashion icon ay si Alden Richards na inilibot ni Heart at personal na inasikaso hanggang sa umalis.

For a good cause ang event ni Heart and friends pero hindi muna inilabas kung saan mapupunta ang bahagi ng proceeds ng event.

Yorme, may pa-hopia

MANILA Hopia Day ngayong Oct. 24-25 mula alas diyes ng umaga hanggang alas otso ng gabi. Iba’t ibang klase ng hopia ang matitikman at mabibili.

Sa Facebook post ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inaanyayahan niya ang lahat lalo na ang Manileño na magkita sa araw na binanggit sa Plaza San Lorenzo Ruiz, Binondo para sa dalawang araw ng hopia, food finds, kultura at tradisyong bahagi na ng ating Maynila.

Kaarawan din sa Oct. 24 ni Yorme Isko.

ALDEN RICHARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with