^

Pang Movies

Jowa ni Kathryn, pinagdidiskusyunan kung mayaman!

Salve V. Asis - Pang-masa
Jowa ni Kathryn, pinagdidiskusyunan kung mayaman!

MANILA, Philippines — Mas matapang at mabangis na Kathryn Bernardo ang mapapanood sa primetime television sa pagsisimula ng isang bagong yugto ng kanyang karakter na si Billy sa hit Kapamilya teleseryeng  Someone, Someday, na pasok pa rin sa Top 10 shows sa Pilipinas sa iWant.

Tampok sa bagong poster ng serye ang agaw-pansin na black and white portraits ni Kathryn na nagpapakita ng iba’t ibang emosyon ni Billy, hudyat ng kanyang mas matapang at walang-awang paninindigan na maningil ng hustisya.

Lalong tataas ang tensyon sa mga susunod na episode ng serye sa likod ng lumalalang financial crisis ng kumpan­ya ni Billy na LoveList, habang patuloy siya sa paniningil ng hustisya para sa kanyang pamilya laban kay Bea (Maja Salvador), sa kabila ng rebelasyong magkapatid pala sila.

Kasabay ng matitinding harapan, tuloy ang mga nakakakilig na eksena ng mag-best friend na sina Billy at Jordan (James Reid) lalo na’t hulog na hulog na si Jordan sa kanya pero ayaw pa niyang aminin kay Billy na gusto niya ito.

Samantala, nasa panganib na rin ang buhay nila dahil target sila ni Caloy (McCoy de Leon), ang kakuntsaba ni Bea na nakatakas sa kulungan.

 Malalagpasan kaya ni Billy ang malaking dagok sa buhay niya? Aamin na kaya si Jordan kay Billy?

Sa totoong buhay ay buma-viral ang isang post ng netizens na nag-pickleball si Kathryn at karelasyon niyang mayor ng Lucena City na si Mark Alcala.

Pero totoo kayang hindi pala masyadong mayaman ang karelasyon ni Kathryn?

Unless daw kumandidato ito sa mas mataas ng posisyon.

Well, ganun na kasi ang diskusyon ngayon, kapag nasa mas mataas kang posisyon, mas ma­yaman ka. 

KATHRYN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with